CAVITE, Philippines – Isang lalaking nasa decomposition stage o naagnas na ang natagpuan sa Gen. Trias City, Cavite, may 500 metro ang layo sa isa pang natagpuang bangkay, kamakailan.
Ayon sa report, nakasuot ang lalaki ng itim na t-shirt at itim na shorts, may taas na 5’5”, at ang ulo ay nabalutan ng garbage bag habang ang kamay at paa ay tinalian ng alambre.
Base sa salaysay ng isang guwardiya na si alyas Noora Diego Babagay, bandang alas-10:50 ng umaga kamakailawa, naka-amoy siya ng masangsang na amoy habang nagsasagawa ng roving inspection sa Riverpark, Advincula Road, Brgy. Pascam 1, Gen. Trias City, Cavite.
Sinundan niya ang pinagmulan ng amoy hanggang sa isang madamong bahagi ng kalsada, kung saan nakita niya ang bangkay na may balot sa ulo ng garbage bag at tinalian ang kamay at paa. Ayon sa guwardiya, tila itinapon lang sa lugar ang bangkay, kaya hiniling niyang magsagawa ng imbestigasyon.
Base naman sa pulisya, may pagkakahawig umano ang natagpuang bangkay sa isang lalaki na natagpuan noong Nobyembre 26, na may 500 metro ang layo sa lugar ng kasalukuyang bangkay.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at iniimbestigahan kung may kaugnayan ang nakaraang biktima ng salvage sa bagong natagpuang bangkay sa naturang lugar. MARGIE BAUTISTA