Home NATIONWIDE NPA member patay sa engkwentro sa Northern Samar

NPA member patay sa engkwentro sa Northern Samar

335
0

MANILA, Philippines – Patay ang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) kasabay ng pagkakakumpiska ng limang high-powered firearms sa naganap na engkwentro sa pagitan ng pamahalaan at mga rebelde sa Barangay Nipa, Palapag, Northern Samar, nitong Sabado, Nobyembre 29.

Sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng mga sundalo ng Army 8th Infantry Division na nagsasagawa ng security operations sa mga miyembro ng Sub-Regional Committee (SRC) Arctic of the Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC).

Iniulat na nakapwesto ang mga rebelde sa hideout na napapalibutan ng anti-personnel mines, na ipinagbabawal sa ilalim ng international humanitarian law.

Humingi na ng tulong sa close air support na nagresulta sa pagkasawi ng isa sa mga rebelde at pagkakasamsam ng matataas na kalibre ng armas at iba pang war materials.

Nagawang makatakas ng ilang miyembro ng NPA dahilan para maglunsad ng pursuit operation ang mga sundalo.

Ayon sa Army, ang operasyon ay nag-ugat sa ulat mula sa mga sibilyan na ang mga rebelde ay sangkot sa extortion sa mga magsasaka at nanghaharass pa sa mga komunidad na bumabangon pa lamang sa epekto ng bagyong Tino at Uwan.

Kinondena ng 8th Infantry Division ang tangka ng mga rebelde na guluhin ang kapayapaan at seguridad sa lugar. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here