Home HOME BANNER STORY Coastal communities sa Ilocos Norte, Cagayan binalaan sa pagbagsak ng rocket debris

Coastal communities sa Ilocos Norte, Cagayan binalaan sa pagbagsak ng rocket debris

297
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga mangingisda at residente ng coastal communities sa Ilocos Norte at Cagayan na maging alerto sa posibleng pagbagsak ng debris mula sa Chinese rocket na ilulunsad ngayong Linggo, Nobyembre 30.

Ang babala ay kasunod ng paglalabas ng impormasyon ng Philippine Space Agency (PhilSA) na planong maglunsad ng China ng Long March 7A rocket nito mula sa Wenchang Space Launch Site sa Hainan mamayang gabi, o sa pagitan ng 8:12 ng gabi hanggang 9:34 ng gabi.

Inaasahang babagsak ang bahagi ng rocket sa dalawang designated drop zones sa kanluran ng Luzon.

Ayon sa PCG, ang unang drop zone ay matatagpuan sa 72 kilometro mula sa Burgos, Ilocos Norte at 111 kilometro mula sa Dalupiri Island, sa Cagayan.

Ang ikalawa naman ay 128 kilometro mula sa Santa Ana, Cagayan at 150 kilometro mula sa Camiguin Norte.

Nag-isyu naman ang Coast Guard District North Eastern Luzon ng temporary maritime restrictions sa dalawang lugar at hinimok ang mga mangingisda at maliliit na bangka na iwasan ang naturang mga lugar hanggang sa matapos ang debris recovery operations.

“Do not approach or attempt to retrieve any debris.”

“Report any floating objects or suspicious materials to the nearest Coast Guard unit for proper handling,” dagdag pa. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here