MANILA, Philippines – Arestado ng mga tauhan mula sa Butuan City Police Office (BCPO) nitong Sabado, Nobyembre 29 ang dalawang suspek sa implementasyon ng search warrant sa Barangay Villa Kananga ng naturang lungsod.
Nasamsam ng mga awtoridad ang mahigit 700 gramo ng shabu mula sa mga suspek na nagkakahalaga ng mahigit P4.7 milyon.
Nakumpiska rin ang isang .45 caliber pistol na may ammunition.
Sa report, kinilala ni BCPO Director Col. Rommel Villamor ang mga suspek sa alyas “Jim,” 52, residente ng Barangay Poblacion, Esperanza, Agusan del Sur; at alyas “Chris,” 42, residente ng Barangay Agao, Butuan City.
“Alias Chris is classified as a high-value individual while the other arrested suspect was considered a street level individual,” ani Villamor.
Inihahanda na ang isasampang reklamo laban sa mga suspek na ngayon ay nasa kustodiya ng BCPO. RNT/JGC