Home NATIONWIDE Pilipinas nakakuha ng pwesto sa IMO council

Pilipinas nakakuha ng pwesto sa IMO council

249
0

MANILA, Philippines – Naihalal ang Pilipinas sa International Maritime Organization (IMO) Council para sa taong 2026 hanggang 2027.

Sa anunsyo ng pagkapanalo nitong Sabado, Nobyembre 29, sinabi ng Department of Foreign Affairs na patuloy na ipananawagan ng Pilipinas ang ligtas, sustainable at masaganang karagatan para sa mga maglalayag dito.

Ang Pilipinas ay magsisilbi sa ilalim ng IMO Council Category C, kasama ang 19 iba pa na nagrerepresenta ng mga estado na may special interests sa maritime transport o navigation.

Ginanap ng IMO Assembly ang eleksyon para sa bagong council noong Nobyembre 28 sa London kung saan 40 council members ang pormal na pinangalanan kabilang ang 10 sa Category A, o mga bansang may malalaking interes sa pagbibigay ng international shipping services, at 10 sa Category B, na binubuo ng mga bansa na may malaking interes sa international seaborne trade.

Sa luncheon reception bago ang botohan, ipinakilala ni Philippine Permanent Representative to the IMO Teodoro Locsin Jr. ang malaking representasyon ng Pilipinas sa global maritime workforce at “dedication to promoting the safety, dignity, and advancement of all seafarers, regardless of nationality or gender.”

Ang newly elected council ay magkikita para sa ika-136 session nito sa Disyembre 4 at maghahalal ng Chair at Vice-Chair nito para sa susunod na biennium. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here