Home NATIONWIDE Growth target ng bansa, pinagsisikapang maabot ng Malakanyang

Growth target ng bansa, pinagsisikapang maabot ng Malakanyang

256
0

MANILA, Philippines – Pinagsisikapan ng Malakanyang na maaabot ng gobyerno ang economic growth target nito para ngayong taon.

Sa katunayan, patuloy na itinutulak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanyang economic team na magsulong ng hakbang na makatutulong na itulak ang growth trajectory ng bansa.

“Muli, sinisikap ng Pangulo na maabot natin ang target.

Pagsisikapan pa rin po,” ang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa isang press briefing sa  Malakanyang.

Iyon ay sa kabila ng kamakailan lamang na rally at ingay na labis na nakaaapekto sa ekonomiya ng bansa.

Inihayag ito ni Castro bilang tugon sa mga alalahanin na malaki ang posibilidad na mamintis o sumablay ang gobyerno sa gross domestic product (GDP) target nito para sa third consecutive year.

Sa kabila ng mga hamon, sinabi ni Castro na determinado ang administrasyon na ma-meet ang target nito.

“Definitely,” aniya pa rin nang tanungin kung nakahanda pa rin ang gobyerno na matamaan ang growth goal nito. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here