Home METRO Manila LGU bumwelta sa pagsasampa ng kaso ng pinatalsik na liga president

Manila LGU bumwelta sa pagsasampa ng kaso ng pinatalsik na liga president

281
0

MANILA, Philippines – Nagpahayag ang lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila na nirerespeto nila ang ang kagustuhan ng 844 sa 896 na mga opisyal ng barangay sa kabisera ng bansa na nagsagawa ng botohan para sa paghahalal sa mga bagong opisyal ng Liga ng mga Barangay.

Ang nasabing pahayag ay matapos maghain ng kasong graft ng dating ex-officio ng City Council ng Maynila na si Leilani Lacuna, kapatid ng natalong alkalde ng Maynila na si Dra. Honey Lacuna, sa Tanggapan ng Ombudsman laban kina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, Vice Mayor Chi Atienza at 13-iba pa kaugnay sa pagpapatalsik sa kanya bilang kinatawan sa City Council ng Liga ng mga Barangay.

“The City Government of Manila respects the will of 844 out of 896 barangay chairpersons who, among themselves, voted in favor of the new set of officers of the Liga ng mga Barangay. Such participation marks a historic turnout,” pahayag ng Manila LGU.

Sa inilabas na pahayag ng Manila Public Information Office (MPIO), hindi pa makapagbigay ng komento ang alkalde hinggil sa nasabing isyu dahil hindi pa nila natatanggap ang kopya nito.

Naniniwala naman ang lokal na pamahalaan na insulto sa mayorya ng mga barangay Chairman ang paratang sa kanila ng dating Liga President.

“To claim that this overwhelming majority were intimidated into participating in a duly constituted process to elect new officers of the Liga ng mga Barangay is an insult to their intelligence. Mere allegations are not synonymous with truth,” pahayag ng lokal na pamahalaang lungsod. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here