Home ENTERTAINMENT Anjo, sinumbatan si Joey!

Anjo, sinumbatan si Joey!

285
0

Manila, Philippines – Anjo Yllana doesn’t seem to be hard on Joey de Leon.

Dating magkasama sina JDL at Anjo sa Eat Bulaga.

“Pareng Joey” kung i-address ni Anjo ito: “Mahal na mahal ko ‘yan!”

Kung mapapansin, tila “exempted” si Joey sa serye ng mga birada ni Anjo.

Sa kanyang latest TikTok video, nagbalik-tanaw si Anjo sa pinagsamahan nila.

Ten years ago daw ay nilapitan ni Joey si Anjo seeking help dahil hindi raw nito mapakasalan si Mareng Aileen.

Si Mareng Aileen na tinutukoy ni Anjo ay ang kasalukuyang partner ni Joey.

Hangad daw ni Joey na mapawalang-bisa ang church wedding niya kay Daria Ramirez.

Si Daria ay ang aktres na sumikat noong dekada 70s, at ina nina Cheenee at Kempee de Leon.

Idinulog ni Joey ang naturang problema kay Anjo dahil may dalawang tiyuhin ito sa Vatican City.

Ang Santo Papa lang daw ang may kapangyatihang magdesisyon du’n.

For his part, Anjo sought his two uncles’ help–at nagtagumpay naman siya.

Isang araw nang may dumating daw mula sa tanggapan ng Papal Nuncio, na nagsasaad na aprubado na ang petisyon ni Joey.

Ganoon na lang daw ang iyak sa kanya ni Joey dahil sa wakas ay maaari na niyang pakasalan si Aileen.

Naisip tuloy ng mga tumatangkilik sa TikTok ni Anjo na oo nga’t hindi niya binanatan si Joey tulad ng ginagawa nito sa kasamahan nilang si Sen. Tito Sotto–pero isinusumbat naman ang naitulong niya?

Kayo, ano’ng basa n’yo sa kuwento ni Anjo? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here