MANILA, Philippines – UMAKYAT na sa P17.56 trillion ang utang ng Pilipinas nitong Oktubre sa gitna ng patuloy na paghina ng piso laban sa US dollar.
Ayon sa Bureau of the Treasury (BTr), P106. 78 billion ang itinaas ng utang ng bansa kumpara noong Setyembre.
Lumobo ang kabuuang utang dahil sa net issuances ng domestic at external liabilities pati na rin ang upward revaluation effects ng mahinang halaga ng piso.
““The expansion was driven by net issuances of domestic and external liabilities, as well as due to the upward revaluation effects of the weaker peso against the US dollar,” ang sinabi ng BTr.
Sinasabing sa kabuuang utang, P12.05 trilyon ang domestic debt o utang sa loob ng bansa, tumaas ng P72.43 bilyon.
Samantala, umakyat naman sa P5.52 trilyon ang external debt o nadagdagan ng P34.35 bilyon. (Kris Jose)