ZAMBOANGA – Nahuli ng pulisya ang dalawang suspek, edad 35 at 60, sa isang buy-bust operation sa Barangay Baliwasan, Lungsod ng Zamboanga noong Nobyembre 29, 2025, at nasamsam ang P1.7 milyong halaga ng umano’y shabu.
Nakuha rin ang humigit-kumulang 250 gramo ng droga at buy-bust na pera.
“Following their arrest, the suspects were brought to the Regional Forensic Unit-9 for drug testing and subsequently to the Zamboanga City Medical Center for medical examination,” ani Brig. Gen. Edwin Quilates.
Kasalukuyang nasa pansamantalang kustodiya ang mga suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa kanila. RNT