Home METRO Bucana Bridge sa Davao, magbubukas sa Dec. 15 – PBBM

Bucana Bridge sa Davao, magbubukas sa Dec. 15 – PBBM

321
0

MANILA, Philippines – Umaasa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mapapagaan ng 1.3-km. Bucana Bridge sa Davao City ang matinding trapiko sa lungsod lalo na ngayong holiday season.

Nakatakda kasing buksan sa motorista ang nasabing tulay sa Dec. 15, 2025.

Ang pahayag na ito ng Pangulo ay matapos niyang inspeksyunin ang tulay na kilala rin bilang Davao River Bridge.

Aniya, ang Bucana Bridge, na bumubuo ng bahagi ng mas malaking Davao City Bypass project, ay inaasahang mababawasan ang oras ng paglalakbay mula 2 oras ay magiging 20 hanggang minuto na lamang sa oras na maging operational.

“Nandito ngayon tayo sa Bucana Bridge. It is a 1.3-km. bridge. Kasama ito sa buong bypass na ginagawa around Davao City at ito’y sinasabi, ang estimate natin na ang biyahe na dati halos dalawa na lang oras ay mababawasan, magiging 25 to 20 minutes na lang,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

“Kaya’t malaking ginhawa, lalung-lalo na ngayon na magpa-Pasko tayo. Alam naman natin ang nangyayari sa traffic,” ang sinabi pa rin ni Pangulong Marcos.

Ang tulay, pinondohan ng grant mula Tsina, saklaw ang 480 meters sa kabilang panig ng Bucana area at nakatakdang maging isa sa ‘key traffic decongestion projects’ ng lungsod.

“Once operational, it is expected to carry an estimated 35,000 vehicles daily, providing a vital link that will help ease heavy traffic in Davao City’s downtown district,” anito.

Binigyang kredito naman ni Pangulong Marcos ang maayos at mabilis na konstruksyon ng Bucana Bridge sa pagtutulungan sa pagitan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Chinese contractors nito, tinukoy ang ‘advanced technology at cost-efficient methods’ ng huli.

Sa kabilang dako, binati naman ni Pangulong Marcos ang DPWH at mga manggagawa na may kinalaman sa proyekto, nagpahayag ng kumpiyansa na sisimulang gamitin ng mga motorista ang tulay sa oras na magbukas na ito sa Dec. 15.

“We’re looking forward to Dec. 15 kung kailan mayroon nang dadaan na traffic dito,” ang winika ng Pangulo.

Samantala, sinabi rin ng Pangulo na ang buong Davao City bypass, sumasaklaw sa Toril hanggang Panabo City, ay ‘on track’ na matatapos sa Dec. 20, 2027.

Inaprubahan noong July 2022, ang Davao City Bypass project ay nagsimulang itayo noong huling bahagi ng 2023 at nagsimulang maging progresibo sa multiple sections.

“The 5.5-km. bypass is a four-lane, high-capacity highway designed to ease congestion in Davao City and enhance regional connectivity.

It is expected to reduce travel time between Toril and Panabo City from 1 hour and 44 minutes to just 49 minutes,” ang tinuran ng Pangulo.

“This is one of the four major legacy projects that we will be finishing in Davao and its environs,” aniya pa rin sabay sabing may ilang seksyon ng bypass ang nabuksan na. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here