Home TOP STORIES P60B isyu nilinaw; Recto imposibleng madawit sa flood control

P60B isyu nilinaw; Recto imposibleng madawit sa flood control

300
0

Patuloy ang pagkalat ng alegasyon na umano’y “pagkuha ni dating Finance Secretary at ngayo’y Executive Secretary Ralph Recto ang P60 bilyon ng PhilHealth para sa flood control.”

Ngunit ayon sa mga opisyal na dokumento at proseso ng gobyerno, hindi saklaw ng Department of Finance (DOF) ang flood control projects at wala itong mandato na mag-disburse ng pondo para rito.

Ang trabaho ng DOF ay mag-manage ng revenue, utang, cash at pananalapi ng bansa.

Ang flood control ay nasa larangan ng DPWH, habang ang paglalabas ng pondo ayon sa GAA ay nasa DBM.

Dahil dito, iginiit ng ilang observers na hindi tumutugma ang paratang na DOF ang nag-utos o nagpondo ng flood control gamit ang remittance ng PhilHealth.

Ang P60 bilyong remittance na binabanggit ay bahagi ng 2024 General Appropriations Act, na inatasan ng Kongreso. Ang pondong ito, ayon sa mga opisyal na paliwanag, ay inilaan para sa health at social programs — kabilang na ang higit P27 bilyong unpaid benefits ng health workers noong pandemya.

Kung hindi nagkaroon ng remittance, tanong ng ilang mambabatas at analyst: saan kukunin ang pambayad para sa COVID-19 health workers na matagal nang hinihintay ang kanilang kompensasyon?

Kinumpirma rin na para sa 2026 national budget, nakapaloob muli ang remittance kasama ang mas malaking pondo sa PhilHealth — mula P53.13B patungong P113B. Dahil dito, iginiit ng mga tagamasid na walang basehan ang alegasyon na “nawala” ang pondo.

Sa kabuuan, batay sa mga umiiral na batas at dokumento ng pamahalaan, ginawa ng DOF ang mandato nito ayon sa itinatakda ng GAA. Kung sakaling magkaroon ng paglilinaw mula sa Korte Suprema tungkol sa batas, ang magiging pangunahing isyu ay ang interpretasyon ng mismong probisyon — hindi ang pagpapatupad nito.

Sa gitna ng mga alegasyon, panawagan ng ilang sektor: ang diskusyon ay dapat nakabatay sa dokumento at proseso, at hindi sa mga kuwentong maaaring magdulot ng kalituhan sa publiko. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here