Home ENTERTAINMENT Ama ni Zsa Zsa, napagkamalang si Dolphy!

Ama ni Zsa Zsa, napagkamalang si Dolphy!

266
0

Las Vegas, USA – Sa biglang tingin ay iisipin mo ngang nabuhay muli ang Comedy King na si Dolphy.

Pero ang kasama pala ni Zsa Zsa Padilla sa larawan ay ang kanyang ama–ang retired international boxing referee na si Sonny Padilla.

Kuha ang litratong ‘yon sa Amerika kung saan matagal nang nakabase si Ginoong Sonny.

Sa Las Vegas to be exact, Zsa Zsa flew there para sana sa operasyon ng kanyang ama pero na-postpone ito.

Hindi naman nawalan ng saysay ang pagbiyahe doon ng Divine Diva dahil tamang-tamang natapat ito ng nakaraang Thanksgiving Day (last November 27).

Naka-bonding ng singer-actress doon ang ilang mga kaanak at kaibigan.

Nabisita rin ni Zsa Zsa ang kanilang family plot o puntod ng kanyang mga mahal sa buhay.

“Family first,” post ni Zsa Zsa who was scheduled to fly back to Manila at once.

Baka bumalik na lang siya sa December kung kailan na-resked ang operasyon ng ama.

Nakaka-amuse ang nagkakaisang reaksyon ng mga netizens upon seeing Zsa Zsa’s photo with her dad.

Inakala nilang si Dolphy ‘yon na dating nakarelasyon nito.

As everybody knows, masaya na si Zsa Zsa sa piling ng kanyang architect partner na si Conrad Onglao. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here