Home NATIONWIDE Bukidnon nananatiling No. 1 agri producer ng Pilipinas

Bukidnon nananatiling No. 1 agri producer ng Pilipinas

330
0

MANILA, Philippines – Nananatiling nangungunang lugar sa bansa para sa agrikultura, forestry at fishery ang Bukidnon na kilala bilang Food Basket of Mindanao.

Matatagpuan sa kalagitnaan ng Mindanao, ang probinsyang ito ang largest contributor sa gross value added ng agriculture, forestry and fishery (AFF) noong 2024.

Nag-ambag ito ng P129.03 bilyon o 7.3 percent ng total output ng sektor na nasa P1.78 trilyon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Patuloy ang pagtaas ng kontribusyon ng Bukidnon sa AFF mula pa noong 2022, na nahigitan ang 88 probinsya at 33 highly urbanized cities sa Pilipinas.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ang Bukidnon ay mayroong magandang uri ng mga lupain, tanawin at hindi rin daanan ng bagyo.

Ito ay kabilang sa major producers ng bansa sa iba’t ibang agricultural commodities katulad ng bugas, mais, asukal, kape, goma, pinya, kamatis, mga bulaklak at cassava, maging ang mga manok, baboy at baka. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here