Home HOME BANNER STORY 3-day transport strike sa Disyembre 9-11, paiigtingin ng MANIBELA

3-day transport strike sa Disyembre 9-11, paiigtingin ng MANIBELA

296
0
(via Manila East TV)

MANILA, Philippines – Pinaiigting ng transport group Manibela ang kanilang tatlong araw na transport strike mula Disyembre 9 hanggang 11 dahil sa umano’y aberya at katiwalian sa LTO at LTFRB na nagpahirap sa mga jeepney driver at operator.

Ayon kay Manibela chair Mar Valbuena, higit isang taon nang nakararanas ang mga driver ng biglaang suspensyon ng lisensya, arbitraryong demerit points at multa, at pagkakaroon ng payola o bribery sa ilang tanggapan ng LTO.

Maraming driver din ang hindi makapagtrabaho dahil sa matagal na processing ng dokumento at renewal ng franchise.

Ayon kay Valbuena, ang strike ay hakbang ng mga driver at operator na paulit-ulit na hindi pinapansin.

Ang pangunahing hiling ng Manibela ay ang fair at timely renewal ng franchise para makapagpatuloy nang legal sa kanilang trabaho.

“Manibela stands firm, the issues are real, systemic and urgent. Drivers and operators will continue to defend their rights until meaningful reforms replace empty words and seasonal public relations,” ani ng grupo. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here