Home NATIONWIDE Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula, mangunguna sa misa sa kapistahan ng Immaculate...

Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula, mangunguna sa misa sa kapistahan ng Immaculate Concepcion sa Manila Cathedral

271
0

MANILA, Philippines – Pangungunahan ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula ang misa para sa kapistahan ng Immaculate Concepcion of Mary sa Manila Cathedral sa Intramuros ngayong Lunes.

Sa isang anunsiyo sa social media, sinabi ng Minor Basilica na si Advincula ang mangunguna sa 12:10 p.m. na Eukaristiya.

Apat na iba pang misa ang gaganapin.

Ang 8 a.m. na misa ay pinangunahan ni Manila Cathedral Vice Rector Fr. Vicente Bautista, susundan ng 10 a.m. na misa na pangungunahan ni Fr. Paul Woo ng Mary Help of Christians Parish.

Sa hapon, si Fr. Leo Ignacio ng San Carlos Seminary ang mangunguna sa 4 p.m. mass habang ang Cathedral Rector na si Msgr. Rolando dela Cruz ang mangunguna sa 6 p.m. mass

Sa ilalim ng Republic Act No. 10966, ang Disyembre 8 ay isang espesyal na non-working holiday sa buong bansa bilang pag alaala sa Kapistahan ng Immaculate Concepcion of Mary.

Bago ang kapistahan, ang Intramuros ay nagsagawa ng Grand Marian Procession noong Linggo, na nagtatampok ng iba’t ibang imahen ni Maria mula sa buong bansa.

Ang National Pilgrim Relic ni Saint Carlo Acutis ay nakatakda rin para sa public veneration sa isang roadside altar sa kahabaan ng Muralla Street, sa tabi ng Baluarte de Dilao, sa panahon ng prosesyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here