Home NATIONWIDE AI regulation sa gitna ng sirit-fake news, cyberbullying pinag-aaralan ni PBBM

AI regulation sa gitna ng sirit-fake news, cyberbullying pinag-aaralan ni PBBM

326
0

MANILA, Philippines – Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahalagahan ng pag-regulate sa paggamit ng artificial intelligence (AI) sa gitna ng paglaganap ng fake news at pagsirit ng kaso ng cyberbullying.

Sa sixth episode ng kanyang podcast, araw ng Martes, ikinalungkot ng Pangulo na ginagamit ang AI technology para makasira ng iba at ilagay ang mga ito sa masamang sitwasyon.

Inamin ng Pangulo na “legislation is always years behind technology,” tanggap na karamihan sa mga mambabatas ay “not tech-savvy enough” para maintindihan ang sumulpot na teknolohiya gaya ng AI.

Winika pa niya na nagbalangkas siya ng listahan kung paano gagamitin ang AI para i-improve ang mga pinakamahalagang sektor gaya ng imprastraktura, edukasyon, at renewables, subalit sinabi na patuloy na humahaba ang listahan kapag patuloy niya itong pinag-aaralan.

“The longer you want, the more time you spend on it, the longer that list will become because it’s going to touch on everything. And it’s important for us to understand it. That’s why it’s not so easy,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

“So, what will you legislate? What’s the best way for the Philippines to take full advantage to maximize the use of AI? The other side of the equation is: What are the things na kailangang bantayan natin? Ayan na ‘yung mga fake news, misinformation, disinformation, etc.,” aniya pa rin.

Sa nasabi pa ring podcast, sinabihan ang Pangulo ukol sa ibang uri ng cyberbullying, kabilang na ang cancel culture na may epekto sa mental health ng isang tao.

Binigyang-diin pa rin ni Pangulong Marcos ang pangangailangan na tiyakin na ang mga mamamayan ay hindi umiikot sa social media ang kanilang buhay.

“We are in the Philippines. We are one of the greatest users of the internet. It’s just my own experience,” ang sinabi ng Pangulo, sabay sabing, “That’s the only conclusion I can arrive at. Iyan ang buong buhay ng kung sinuman iyan. Basta ‘yung buong buhay niya is ‘yung online. So, what goes online, that’s the only thing that’s important — not what goes on in real life.” (Kris Jose)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here