Home NATIONWIDE NBI humiling ng Interpol red notice vs Zaldy Co

NBI humiling ng Interpol red notice vs Zaldy Co

250
0

MANILA, Philippines – Hiniling na ng National Breau of Investigation (NBI) sa International Police o Interpol na ilagay sa red notice ang nagbitiw na si dating Congressman Zaldy Co.

Kasabay ng kumpirasyon ng NBI, nilinaw na ang kanilang request ay noon pang Nobyembre 23 na inihain sa Philippine Transnational Crime.

Sinabi ni NBI spokesperson Palmer Mallari na agad na ipapadala ang kopya nito sa lahat ng mga bansang kasapi kapag inaprubahan ng Interpol ang red notice para ipaalam na may inilabas na warrant of arrest ang hukuman sa Pilipinas laban kay Co.

Ang international red notice ng interpol ay global alert system kung saan ipinaalam at inaalarma ng law enforcement groups o units para hanapin o arestuhin ang isang tao kahit nasa ibang bansa.

Nagbitiw si Co bilang Party-List Representative at nangibang bansa matapos itong nasangkot sa bilyon-bilyong pisong kickback umano sa mga flood control projects. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here