MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang dating sundalo matapos ang umano’y pagnanakaw ng gasolina gamit ang pinekeng purchase orders sa Shell gasoline station sa Catbalogan City, Samar.
Kinilala ang suspek na si “Vil,” 38, may-asawa at residente ng Barangay Sta. Cruz, Jaro, Leyte, na nahuli ng mga operatiba ng Catbalogan City Police Station kasunod ng sumbong na natanggap sa hotline ng istasyon.
Ayon kay Police Lt. Col. Norman Ala, acting chief ng Catbalogan, nahuli sa akto ng mga awtoridad ang ex-Army member na nagkakarga ng ilang plastic fuel container gamit ang Shell purchase orders na naglalaman ng pinekeng pirma at dating Catbalogan police chief.
Narekober sa suspek ang isang kargadong 9mm Armscor pistol; 9mm magazine; 9mm magazine; 24 rounds ng 9mm live ammunition; cash amounting na nagkakahalaga ng P8,050; 43 Shell purchase orders na may falsified signatures; 88 Shell purchase orders na may falsified signatures; blue notebook na naglalaman ng handwritten notes at practice signatures; 10 plastic containers na may lamang gasolina at isang itim na Toyota Vios.
Nahaharap sa reklamong theft, falsification of documents, at paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang suspek. RNT/JGC