Home NATIONWIDE Shear line, Amihan magpapaulan sa bahagi ng Luzon, Visayas

Shear line, Amihan magpapaulan sa bahagi ng Luzon, Visayas

272
0

MANILA, Philippines – Makakaapekto ang shear line sa silangang bahagi ng Southern Luzon at Visayas habang Northeast Monsoon o Amihan naman ang iiral sa Northern Luzon at Central Luzon, ayon sa PAGASA.

Ang Bicol Region, Eastern Visayas, Laguna, Quezon, Marinduque, at Romblon ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms dahil sa Shear Line.

Maulap na kalangitan na may mahinang ulan naman ang mararanasan sa Cagayan Valley at Aurora dahil sa Northeast Monsoon o Amihan.

Samantala, ang Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, nalalabing bahagi ng Central Luzon at CALABARZON ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains dahil sa Amihan.

Habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa easterlies. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here