Home OPINION MALASAKIT SA PILA, LAGUNA NI KONSI DELILAH

MALASAKIT SA PILA, LAGUNA NI KONSI DELILAH

322
0

SA pagbaha ng galit ng sambayanang Pilipino sa nagaganap na korapsyon sa ating bansa, mahalaga na mayroong mga politiko o lingkod-bayan na nananatiling tapat sa tungkulin na pagtataguyod ng malinis na pamamahala laban sa korapyon at aktibo ang pagseserbisyo publiko kagaya ni Konsehala Delilah Manangkil Gonzales ng Pila, Laguna.

Ang mga ganitong katangian kasi ang nagsasalba sa naghihingalong pamahalaan dahil sa kabi-kabilang isyu ng korapsyon sa bansa. Sila na lamang na iilan na lumalaban sa korapsyon at nagtataguyod ng good governance at serbisyo publiko ang natitirang ilaw at pag-asa ng mamamayan sa panahon ng krisis pampulitika.

Nag-iisang nanalong independiente sa pagkakonsehal, itong si Konsi Delilah, solong galawan lang ika nga. Ganoon pa man, malaking puntos pa ring nagwagi ang isang independent candidate na lumaban ng patas at malinis noong nakaraang halalang Mayo 2025.

Sadyang hindi nga nasayang ang boto ng mga taga Pila, Laguna kay Konsi Delilah dahil aktibo at masipag siya sa pag ganap ng tungkulin at paghahanap ng political alliance sa mga lider nasyunal na makatutulong sa kanyang mga kababayang nangangailangan.

Isa si Senate Deputy Majority Leader Senator Risa Hontiveros na nilapitan at hinihingi niya ng tulong para sa kanyang mga kababayan.

Tumatak na sa kanyang mga kababayan ang pangalang Konsi Delilah na matulungin sapagkat madalas siya ang inaasahan at takbuhan ng mga ito dahil kilalang bukas palad sa abot ng kanyang magagawa at makakaya dagdag pa na siya ay hindi nagtatago sa mga tao at hindi mahirap hanapin ng mga kababayan.

Bukod sa personal niyang tulong sa mga kapos-palad niyang kababayan na humihingi ng tulong ay ilan pa sa kanyang nagawa ay ang pagbibigay ng mga guarantee letters bilang medical assistance sa mga nagkasakit o naospital, dalawang beses na rin siyang nakasungkit at namigay ng Assistance to Individual in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development, isang beses ng nakasungkit at namigay ng TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) sa Department of Labor and Employment at inaasahang masusundan pa sa taong 2026.

Saludo ang inyong lingkod sa pagiging aktibo, masipag at matulungin, mabuhay kayo Konsehala Delilah Manangkil Gonzales na isang baguhan sa Konseho ngunit hindi baguhan sa pagtulong.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here