MANILA, Philippines – Pinangunahan ni dating Senador Cynthia Villar ang pagkilala sa mga natatanging community-based organizations sa Villar Foundation Awards on Poverty Alleviation, ginanap noong Disyembre 12 sa The Tent, Las Piñas City.
Mula sa 120 nominado, 30 ang na-validate na mga entry, at 18 community enterprises ang napiling mga natatanging awardee, na tumanggap ng tropeo at ₱250,000 bawat isa. Dalawang Special Awardee rin ang kinilala, na tumanggap ng tig-₱150,000 at sertipiko ng pagkilala.







