Home NATIONWIDE Higit 960K nagparehistro sa BSKE

Higit 960K nagparehistro sa BSKE

233
0

MANILA, Philippines – Kabuuang 962,615 na ang bilang ng mga indibidwal na nagparehistro para sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, batay sa datos na inilabas ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon sa Comelec, naitala ang datos mula sa pagsisimula ng voter registration noong Oktubre 20 hanggang Disyembre 14, 2025.

Ang Region 4-A ang may pinakaraming naitalang nagparehistro na umabot sa 203,438, habang sa National Capital Region (NCR) ay nasa 114,820 ang bilang, kasunod ng Region 3 na may 114,628.

Ang Region 4-A rin ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga kabataang nagparehistro na umabot sa 63,933, habang sa NCR ay 44,584.

Magpapatuloy pa rin ang voter registration ng Comelec hanggang Mayo 18, 2026, kung saan wala pang plano na palawigin ito, kaya’t hinihikayat ang lahat na samantalahin ang pagpapatala. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here