Home METRO P1.5M Kush nasabat sa Pasay

P1.5M Kush nasabat sa Pasay

241
0
(Image Representation Only)

MANILA, Philippines – Sa ikinasang interdiction operation na binubuo ng mga tauhan ng Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG), narekober ang hinihinalang Marijuana Kush na nagkakahalaga ng aabot sa P1.5 milyon sa Pasay City Lunes ng hapon, Disyembre 15.

Sa inisyal na report ng NAIA-IADITG, napag-alaman na naisagawa ang interdiction operation dakong ala-1:00 ng hapon sa Central Mail Exchange Center (CMEC), Domestic Road, Pasay City.

Ayon sa NAIA-IADITG, kanilang kinumpiska ang tatlong abandonadong inbound parcels na naglalaman ng 997 gramo ng pinatuyong dahon ng hinihinalang Marijuana Kush na nagkakahalaga ng P1,495,500.

Ang mga nakumpiskang ilegal na droga ay dinala sa PDEA Laboratory Service para sumailalim sa laboratory examination.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 4, Art. II ng RA 9165 ang mga nasasangkot na suspek sa pagkakadiskubre ng ilegal na droga sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Ang NAIA-IADITG ay binubuo ng mga ahensya ng PDEA RO NCR, Bureau of Customs-Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (BOC-CAIDTF), PNP Aviation Security Group (AVSEG), Airport Police Department (APD), PNP Drug Enforcement Group (DEG), National Bureau of Investigation (NBI), at ng Bureau of Immigration (BI). (James I. Catapusan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here