Home HOME BANNER STORY Ulat na pamamalagi ng Bondi Beach shooters sa Pinas bago pamamaril, iniimbestigahan...

Ulat na pamamalagi ng Bondi Beach shooters sa Pinas bago pamamaril, iniimbestigahan ng PNP

333
0

MANILA, Philippines — Iniimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang ulat na ang mga suspek sa nakamamatay na pamamaril sa Bondi Beach sa Sydney, Australia, ay maaaring nakapanatili sa Pilipinas bago ang insidente.

Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Randulf Tuaño, isinasagawa ang beripikasyon ng PNP Directorate for Intelligence kasabay ng Bureau of Immigration.

Pinayuhan ni acting PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang publiko na wala pang nakikitang malaking banta sa seguridad sa bansa.

“Walang pagbabanta sa seguridad na aming namo-monitor pero makakaasa ang publiko na naka-alerto ang kapulisan upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa,” ani niya.

Nasawi sa pamamaril ang 16 katao, kabilang ang isang 10-taong gulang na babae, at kinasugat ng iba pa.

Sinabi ni Australian Prime Minister Anthony Albanese na tila pinukaw ng “Islamic State ideology” ang atake. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here