MANILA, Philippines – Mahigit 420,000 bagong sasakyan ang naibenta sa Pilipinas mula Enero hanggang Nobyembre 2025, ayon sa datos ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Inc. (CAMPI) at Truck Manufacturers Association (TMA).
Sa buwan ng Nobyembre, naitala ang 37,352 unit na benta, kung saan 29,903 ang commercial vehicles at 7,456 ang passenger cars.
Patuloy ang paglago ng electrified vehicles (EVs) na umabot sa 28,102 unit o 6.68% ng kabuuang benta. Nangunguna ang Hybrid Electric Vehicles (HEVs) na may 22,027 unit, kasunod ang Battery Electric Vehicles (BEVs) na may 4,261 unit at Plug-in Hybrid Electric Vehicles (PHEVs) na may 1,814 unit. Tumaas ng 216% ang benta ng PHEVs buwan-buwan.
Pinangunahan ng Toyota Motor Philippines ang kabuuang benta na may 48.85%, sinundan ng Mitsubishi sa 18.83%. May mas maliit na bahagi ang Ford, Suzuki, at Nissan. Ayon sa CAMPI at TMA, patuloy ang katatagan at kakayahan ng industriya sa nagbabagong merkado. Santi Celario