Home NATIONWIDE Pasahero sa Philippine airports mas marami ngayong 2025 – MIAA

Pasahero sa Philippine airports mas marami ngayong 2025 – MIAA

301
0

MANILA, Philippines – Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), mas maraming pasahero ang naitala sa mga paliparan sa Pilipinas ngayong holiday season ng 2025 kumpara sa parehong panahon noong 2024.

Ani MIAA General Manager Eric Ines, halos pantay ang domestic departure mula Manila papuntang probinsya sa international arrivals, na maaaring nangangahulugang maraming balikbayan ang bumalik sa probinsya.

Inaasahan ang matinding traffic sa paligid ng NAIA terminals, kaya pinaalalahanan ng airlines at MIAA ang publiko na maagang dumating para sa kanilang flights at tiyaking sumusunod sa tamang baggage allowance para maiwasan ang delay.

Dagdag pa ng MIAA, inaasahang madadagdagan ang self check-in counters sa unang ilang buwan ng 2026 para sa mas maginhawang proseso ng pag-check in. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here