MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Philippine Coast Guard (PCG) sa publiko na nagpataw ang Coast Guard District North Eastern Luzon ng pansamantalang paghihigpit sa paglalayag dahil sa nakatakdang paglunsad ng Long March 5 rocket ngĀ People’s Republic of China mula sa Wenchang Space Launch Site.
Ayon sa paalala ng PCG, ilulunsad ito ganap na 8:22 ng gabi hanggang 9:45 ng gabi, oras sa Pilipinas ngayong Disyembre 20, 2025.
Ang mga sumusunod ay ang mga natukoy na Drop Zones (DZ):
– *DZ 1:* 69 NM mula sa Burgos, Ilocos Norte; 94 NM mula sa Dalupiri Island, Cagayan
– *DZ 2:* 117 NM mula sa Santa Ana, Cagayan; 130 NM mula sa Camiguin Norte
Pinapayuhan ang mga operator ng maliit na bangka at mga mangingisda na iwasan ang mga natukoy na drop zones, lumayo sa anumang lumulutang na mga debris, at iulat ang anumang nakita sa mga yunit ng PCG o mga lokal na awtoridad para sa mga naaangkop na hakbang. Jocelyn Tabangcura-Domenden