BATAAN, Philippines – Nasakote ng mga awtoridad ang isang suspected gun runner at makumpiskahan ang suspek ng ilang pakete ng hinihinalang shabu sa ikinasang buybust operation ng pulisya sa Barangay Culis, Hermosa.
Batay sa ulat ni Hermosa Municipal Police Station Chief of Police Major Winston Norte kay Central Luzon Police Director Brigadier General Ponce Rogelio PeƱones Jr.
Kinilala ng pulisya ang nadakip na suspek na si alyas “Aldo”, 35 anyos, binata at residente ng Barangay Mambog sa naturang lugar.
Sa ulat, nadakip ang suspek matapos maaktuhang nagbenta ng baril sa undercover police at makumpiskahan pa ito ng iligal na droga sa operasyon ng pulisya.
Isinailaim sa surveillance ang suspek hinggil umano sa iligal nitong gawain ng pagbebenta ng baril, kaya ng magposotibo, ikinasa ng pulisya ang operasyon kung saan nakorner ang suspek.
Narekober sa suspek ang isang kalibre 38 na baril at mga bala, Buybust at boodle money at 5 gramo ng suspected shabu na standard drug price ng P34,000.
Nasa kustodiya na nang pulisya ang suspek na nahaharap na sa mga kasong Illegal Possession of Firearms and Ammunition at Dangerous Drug Law. (ROEL TARAYAO)