Home HOME BANNER STORY Sunog sumiklab sa warehouse sa Caloocan

Sunog sumiklab sa warehouse sa Caloocan

300
0

MANILA, Philippines – Sumiklab ang isang sunog sa warehouse sa Caloocan City madaling araw ng Linggo, Disyembre 21.

Ang apektadong warehouse sa Barrio Pacita ay nagsisilbing imbakan ng packaging materials katulad ng mga plastik.

Iniulat ang sunog 4:21 ng madaling araw at agad umabot sa ikalawang alarma pagsapit ng 4:43 ng umaga ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Nahirapan maapula ang sunog dahil sa combustible materials sa warehouse na matatagpuan sa J. Mariano Street sa Barangay 95.

Naokupahan naman ang dalawang lane ng EDSA ng mga rumespondeng fire truck.

Itinaas sa ikatlong alarma ang sunog 5:41 ng umaga at idineklarang fire under control 8:50 ng umaga.

Wala namang nasaktan sa insidente. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here