Home HOME BANNER STORY Lahat ng gadget ni Cabral ipinapasuko ng Ombudsman

Lahat ng gadget ni Cabral ipinapasuko ng Ombudsman

237
0

MANILA, Philippines – Naglabas ang Office of the Ombudsman ng subpoena duces tecum na nagtuturo sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na agad na ibigay ang lahat ng mga computer at electronic devices na dating inisyu kay dating Usec. Cathy Cabral.

Sa pag-turnover, ang mga kagamitan na ito ay sasailalim sa forensic examination ng isang ahensya ng law enforcement upang matukoy kung may anumang datos na binago, tinanggal, o pinakialaman pagkatapos ng flood control scandal ay unang isinapubliko.

Inaasahan ng tanggapan ang agaran at buong pagsunod sa subpoena sa interes ng pananagutan at integridad sa nagpapatuloy na imbestigasyon.

Ipinag-utos ito ng Ombudsman matapos ang pagkamatay ni Cabral na umano’y nahulog sa bangin sa Kennon Road sa Baguio City kamakailan.

Una na ring isiniwalat ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na ibinigay sa kanya ni Usec Cabral ang files ng DPWH insertions sa buong bansa noong Setyembre 4.

Sa kabila nito, sinabi ng mambabatas na mas mabuting mismong si DPWH Secretary Vince Dizon ang siyang magsiwalat nito sa publiko. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here