Home HOME BANNER STORY 98K pasahero dumagsa sa PITX

98K pasahero dumagsa sa PITX

213
0

MANILA, Philippines — Umabot na sa humigit-kumulang 98,000 pasahero ang dumaan sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) hanggang alas-2 ng hapon nitong Martes, Disyembre 30, ayon sa pamunuan ng terminal.

Ayon kay PITX spokesperson Jason Salvador, patuloy pa ring may mga biyahe na inilalaan ang terminal para sa mga pasaherong pauwi ng probinsya ngayong Bagong Taon. Naglabas din umano ng mga special permit upang maserbisyuhan ang dagsa ng mga biyahero.

Sinabi ni Salvador na bagama’t inaasahang bababa na ang bilang ng mga biyaheng patungo sa malalayong lalawigan, handa pa rin ang PITX na tumanggap ng mga hahabol na pasahero.

Naghahanda na rin ang pamunuan sa inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong pabalik sa Metro Manila mula Enero 2 hanggang 5.

Nagpaalala rin ang PITX sa mga biyahero na iwasan ang pagdadala ng mga ipinagbabawal na gamit sa mga terminal, kabilang ang mga paputok.

Samantala, hinimok naman ng Toll Regulatory Board ang mga motorista na magpakita ng disiplina at pag-unawa sa kalsada, lalo na sa inaasahang mabigat na daloy ng trapiko sa mga darating na araw. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here