Home METRO BFP: Electrical issue, pangunahing sanhi ng sunog tuwing bagong taon

BFP: Electrical issue, pangunahing sanhi ng sunog tuwing bagong taon

263
0

MANILA, Philippines – Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), bukod sa paputok, ang electrical issues ang nangungunang sanhi ng sunog tuwing New Year’s Eve.

Ani Fire Supt. Anthony Arroyo, “Maliban diyan sa paputok, ang number one talaga ay electrical causes. Napakataas po ng percentage ng cause of fire ang electrical, kasama na diyan ang overloading dahil mas marami ang nagkakabit ng mga pailaw, Christmas lights, mga pailaw at karamihan diyan iyong mga substandard product pa.”

Isa pang karaniwang sanhi ng sunog ay ang open flame, lalo na kapag nagluluto para sa Media Noche.

“Ang pangalawa po ay open flame, ganoon din holiday season mas marami ang nagluluto, marami ang nagpi-prepare ng pagkain sa hapag-kainan, so nagiging factor din siya sa pag-increase ng sunog,” dagdag ni Arroyo.

Pinayuhan ng BFP ang publiko na i-unplug at patayin ang mga electrical appliance kapag hindi ginagamit, pati na rin ang Christmas lights bago matulog o kapag aalis ng bahay.

Inabisuhan din silang huwag bumili ng substandard appliances at electrical devices. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here