Home NATIONWIDE 2026 salubungin nang may pag-asa; takot, pagdududa iwaksi – VP Sara

2026 salubungin nang may pag-asa; takot, pagdududa iwaksi – VP Sara

274
0

MANILA, Philippines – Hinimok ni Vice President Sara Duterte ang mga Pilipino na iwaksi ang takot at pag-aalinlangan sa pagsalubong ng 2026, na itinuturing niyang paanyaya upang magkaisa at magsimula nang panibago.

Ayon sa kanyang video message noong Disyembre 31, ang bagong taon ay isang panibagong kabanata na puno ng pag-asa.

“Hayaan nating mag-alab muli ang ating tapang at determinasyon,” ani Duterte.

Ipinahayag niya ang pag-asa na sa bawat pagsubok, ang mga Pilipino ay lalabas na mas matatag.

“Itinuring natin ang bagong taon na paanyaya upang magkaisa at magsimula nang may panibagong pananaw,” dagdag pa niya.

Pinayuhan din ni Duterte ang mamamayan na ang kolektibong lakas at pananampalataya ang susi sa tunay na pagbabago.

“Sama-sama tayong magsikap at magdasal na ang 2026 ay maging taon ng pag-asa at pagpapala,” sabi niya.

Binigyang-diin din ng bise presidente ang pagnanais na ang bagong taon ay mas maliwanag at mas masagana para sa lahat. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here