Home METRO Fiancé, nawalang bride-to-be: Tuloy ang kasal

Fiancé, nawalang bride-to-be: Tuloy ang kasal

241
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Mark Arjay Reyes, fiancé ni Sherra De Juan ang missing bride-to-be na matagumpay na na-rescue sa Sison, Pangasinan noong Lunes, Disyembre 29, na itutuloy pa rin nila ang kanilang kasal, ngunit pinakamahalaga sa pamilya ang pagpapagaling ni De Juan.

Ani Reyes, sa kanilang muling pagkikita, humingi ng paumanhin si De Juan at sinabi niyang hindi niya naabot ang petsa ng kasal.

Habang pauwi sa Quezon City, tinanong ng pulis kung tuloy pa ba ang kasal. Sinagot ni De Juan na “Opo, tuloy yung kasal”, ngunit binigyan siya ng pamilya ng oras upang mag-recover.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagpapahinga at pagbabalik ng lakas at gana ni De Juan.

Ayon kay Reyes, nais ng pamilya na simulan ang bagong taon na sama-sama at magdiwang sa muling pagkikita ni Sherra.

Nagpasalamat siya sa media sa pagtulong sa paghahanap, ngunit humiling ng privacy sa mga susunod na panayam.

“Ayaw na po namin na magamit ang interviews bilang kwento-kwento o speculation,” ani Reyes.

Patuloy rin ang koordinasyon ng pamilya sa pulisya sa kasalukuyang imbestigasyon.

Sinabi rin niya na hindi pinipilit ang babae na ikwento ang nangyari noong siya ay nawawala, at layunin nila ay bigyan siya ng oras para makapag-heal at makapag-recover.

Sa pagpasok ng bagong taon, ang hangarin ni Reyes para kay De Juan at sa pamilya ay pagpapagaling at sama-samang pag-usad sa buhay. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here