Ilang araw bago ang Chinese New Year ay marami na ang mga taong nagtutungo sa Binondo at Ongpin sa Maynila para bumili ng mga pampaswerte, tikoy, at mga prutas.Idineklarang special non-working holiday ang Enero 29, Miyerkules, para sa pagdiriwang ng Chinese New Year. CRISMON HERAMIS
MANILA, Philippines – Dumagsa ang mga Pilipino sa Binondo, Manila noong New Year’s Eve para sa kanilang last-minute shopping, lalo na sa pagbili ng horse-themed lucky charms bilang simbolo ng swerte sa pagpasok ng 2026 o “Year of the Fire Horse.”
Ayon sa isang feng shui expert, magkakaiba ang kapalaran ng bawat tao sa 2026 depende sa kanilang birth year, at ang panalangin ang pinakamabisang sandata laban sa malas. “Mag-pray. Prayer is the most powerful,” dagdag pa niya, kasabay ng sipag, tiyaga, at pagiging resourceful.
Bukod sa lucky charms, bumili rin ang mga tao ng tikoy, xiaolongbao, at roasted chestnuts para sa kanilang Media Noche. Nang tanungin tungkol sa kanilang wish para sa Bagong Taon, ilan ang nagnanais ng kalusugan at pagbabago sa bansa.
Ilang tindahan sa Binondo rin ang naglagay ng New Year’s wish walls kung saan maaaring isulat ng mga customer ang kanilang mga hiling para sa 2026. RNT/MND