Home NATIONWIDE 44% ng Pinoy umaasa sa mas magandang kalidad ng buhay sa 2026...

44% ng Pinoy umaasa sa mas magandang kalidad ng buhay sa 2026 – SWS

271
0

MANILA, Philippines – Ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), 44 porsiyento ng adultong Pilipino ay naniniwalang magiging mas maganda ang kanilang kalidad ng buhay sa susunod na taon, habang 38% ang nagsabing mananatili ito sa kasalukuyang antas at 8% ang umaasang bababa.

Naitala ang Net Personal Optimism na +36, na tinukoy bilang “very high.”

Ang optimismong ito ay bumalik sa pre-pandemic levels matapos bumaba noong COVID-19 lockdowns noong 2020.

Mga rehiyonal na trend:

–Mindanao: +31 → +35 (very high)

–Balance Luzon: +38 → +40 (excellent)

–Metro Manila: +39 → +36 (very high)

–Visayas: +33 → +29 (high)

Sa mga rural na lugar, tumaas ang optimism mula +34 → +36, samantalang sa urban areas, bahagyang tumaas mula +36 → +37.

Batay sa edad at edukasyon:

–Pinaka-optimistiko ang kabataan (18–34 years old)

–Mataas ang optimism sa college graduates (+44) at senior high school learners (+44)

–Nanatiling mataas sa junior high at elementary graduates, at mataas hanggang very high sa may mas mababang antas ng edukasyon

SWS dininiyang, mas mataas ang optimism sa mga nakaranas ng pagbuti ng buhay sa nakaraang taon (Gainers +58) kumpara sa mga hindi nagbago (+35) o bumaba (Losers +21).

Ang Fourth Quarter 2025 Social Weather Survey ay nag-interview ng 1,200 adults nationwide mula Nobyembre 24–30, 2025, gamit ang face-to-face interviews sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here