Home METRO Aktibidad ng bulkang Taal patuloy na tumataas

Aktibidad ng bulkang Taal patuloy na tumataas

244
0

BATANGAS, Philippines – Naitala ngayong unang araw ng taon ang pagtaas ng aktibidad sa Taal Volcano sa Batangas, na nagtala ng 51 volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Huwebes.

Kasabay nito, nagtala rin ang Phivolcs ng 13 volcanic tremors, bawat isa tumatagal ng isa hanggang tatlong minuto.

Ang aktibidad na ito ay sumusunod sa mas kalmadong panahon noong nakaraang buwan, kung saan nagtala ang Taal ng 101 earthquakes at 26 tremors sa buong Disyembre. Tatlong minor phreatomagmatic eruptions rin ang naitala.

Ayon sa Phivolcs, ang volcanic earthquakes ay dulot ng mga proseso sa loob ng bulkan at may natatanging pattern, habang ang volcanic tremors ay tuloy-tuloy na low-frequency seismic signals.

Sa huling monitoring, mahina lamang ang sulfur dioxide emissions sa 78 metric tons at ang gas plume ay umabot lamang ng 20 metro mula sa crater.

Wala namang volcanic smog o pag-usbong ng mainit na tubig sa crater lake.

Nanatiling Alert Level 1 ang Taal, na nangangahulugang mababang antas ng pag-aalboroto.

Binibigyang-diin ng Phivolcs na hindi ibig sabihin nito ay normal na ang bulkan o tapos na ang posibilidad ng pagputok. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here