Home METRO Ex-mayor huli sa buy-bust ops sa NE

Ex-mayor huli sa buy-bust ops sa NE

234
0

CAMP OLIVAS, PAMPANGA, Philippines – Timbog sa mga awtoridad ang isang dating alkalde sa isang bayan sa Nueva Ecija, matapos masakote ito sa ikinasang drug buybust operation ng pulisya nitong nakaraang miyerkules ng madaling araw (December 31, 2025) sa Barangay Calipahan, Talavera, Nueva Ecija.

Batay sa ulat kay Central Luzon Police Director Brigadier General Ponce Rogelio PeƱones Jr. kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Bossing”, na dating Mayor sa isang bayan sa Nueva Ecija.

Naaresto ang suspek matapos umanong maaktuhang nagbenta ng shabu sa undercover police.

Narekober sa suspek ang limang (5) pakete ng suspected shabu na may timbang na 70 grams at standard drug price na P476,000 at ang marked money na ginamit sa buybust.

Nasa kustodiya ng pulisya ang nadakip na suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa mas pinaigting na Dangerous Drug Law. (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here