Home HOME BANNER STORY Taas-presyo ng LPG, ipinatupad ngayong unang araw ng 2026

Taas-presyo ng LPG, ipinatupad ngayong unang araw ng 2026

341
0

MANILA, Philippines – Nagpatupad ng dagdag-presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) ang mga kumpanya ng langis madaling araw ng Huwebes, Enero 1.

Ayon sa advisory ng Petron Corporation noong Miyerkules ng gabi, tumaas ng P2.18 kada kilo ang presyo ng LPG epektibo 12:01 a.m. ng Huwebes.

“This reflects the international contract price of LPG for the month of January,” pahayag ng Petron.

Nag-anunsyo rin ang Solane ng kaparehong dagdag-presyo, na ipinatupad alas-6 ng umaga nitong Huwebes, ayon sa advisory nito noong Disyembre 30.

Ang P2.18 kada kilo na pagtaas ay katumbas ng P23.98 dagdag-presyo sa karaniwang 11-kilogram LPG tank para sa mga kabahayan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here