Home NATIONWIDE 35 OFWs, nakauwing ligtas mula Cambodia bago mag Bagong Taon

35 OFWs, nakauwing ligtas mula Cambodia bago mag Bagong Taon

249
0

MANILA, Philippines – Ligtas na na-repatriate ang 35 overseas Filipino workers (OFWs) mula Cambodia noong Miyerkules, bago ang Bagong Taon, matapos tulungan ng pamahalaan ng Pilipinas kaugnay ng mga kaso ng illegal recruitment, human trafficking, at scam hub operations.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), 34 sa mga umuwi ay kinilalang biktima ng human trafficking, habang isang OFW ang nakabalik matapos makumpleto ang sentensiya sa kasong may kaugnayan sa money laundering.

“Their safe repatriation was achieved through the coordinated efforts of the Philippine Embassy in Phnom Penh and the Migrant Workers Offices (MWOs) in Singapore and Thailand under President Ferdinand R. Marcos Jr.’s Bagong Pilipinas whole-of-government principle,” ayon sa DMW.

Dumating ang mga OFW sa tatlong batch sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa pamamagitan ng transit at direct flights mula Phnom Penh. Ang huling batch ay sakay ng Philippine Airlines flight PR-2622 na may 18 trafficking victims at isang OFW na pinalaya mula sa kulungan.

Tinulungan ang mga OFW sa Cambodia ng mga opisyal ng DMW at Philippine Embassy at sinalubong naman sa Maynila ng DMW airport team katuwang ang OWWA, Bureau of Immigration, at iba pang ahensya.

Muling pinaalalahanan ng DMW ang publiko na mag-ingat sa mga pekeng alok ng trabaho sa ibang bansa at tiyaking rehistrado at aprubado ng ahensya ang mga job offer bago tanggapin. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here