Home METRO Ligaw na ‘kwitis’ nagdulot ng sunog sa bentahan ng paputok sa Kalinga;...

Ligaw na ‘kwitis’ nagdulot ng sunog sa bentahan ng paputok sa Kalinga; 2 sugatan

255
0

KALINGA, Philippines – Dalawang residente ang nasugatan matapos tumama ang isang ligaw na “kwitis” na pinaputok ng isang bystander sa isang firecracker stall sa Bulanao Public Market sa Tabuk City, Kalinga, wala pang 10 minuto bago sumapit ang Bagong Taon.

Ayon kay Fire Officer 1 Aila Phyllian Licudine ng Tabuk City Fire Station, nagliyab ang stall sa loob ng designated firecracker selling area at naapula ang apoy sa loob ng walong minuto, bandang 11:58 ng gabi, at idineklarang fire out alas-12:01 ng madaling araw ng Huwebes. Dinala sa ospital ang dalawang nasugatan.

Kinumpirma ni Licudine na ang kwitis ay nagpasabog sa mga firecracker at paputok sa stall, na sumira rin sa mga katabing tindahan.

“We cannot yet ascertain the extent of the damage as we finalize our investigation and reports,” ani Licudine.

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang kabuuang halaga ng pinsala.

Nanawagan si Licudine sa publiko na iwasan ang pagpapaputok ng paputok malapit sa mga designated selling area.

Ayon sa ilang residente, mas mainam umano ang public fireworks display at ang paggamit ng torotot sa halip na firecrackers upang maiwasan ang ganitong insidente. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here