Home METRO Kalive-in ng yumaong Iloilo VM, isinailalim sa paraffin test

Kalive-in ng yumaong Iloilo VM, isinailalim sa paraffin test

260
0

MANILA, Philippines – Humiling ang pulisya sa Iloilo ng paraffin test para sa live-in partner ng yumaong Vice Mayor ng Dueñas, Aimee Paz Lamasan, na siyang nag-iisang kasama nang aksidenteng mabaril ng vice mayor ang sarili gamit ang 9 mm pistol.

“We already sent a request for a paraffin test to the vice mayor’s partner. That’s one of the things we have to do,” ani Iloilo City Police Chief Captain Jeffrey Delgado.

Nangyari ang insidente habang inaayos ni Lamasan ang kanyang mga gamit sa kanyang tahanan sa La Paz, Iloilo City at tumama ang bala sa kanyang tiyan. Dinala siya sa ospital ngunit pumanaw kinabukasan.

Patuloy pa rin ang paghihintay ng mga awtoridad sa resulta ng ballistic examination at kumpirmasyon mula sa Regional Civil Security Unit tungkol sa pagmamay-ari ng baril.

Ayon kay Iloilo City Police spokesperson Major Shella Sangrines, itinuturing na aksidente ang pamamaril ngunit magpapatuloy ang imbestigasyon kung may bagong ebidensya. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here