Home METRO Hubad na bangkay ng car trader, umalingasaw sa Tagaytay

Hubad na bangkay ng car trader, umalingasaw sa Tagaytay

270
0

MANILA, Philippines – Natagpuang walang buhay at hubo ang  26-anyos na car trader na si John Lester Amin sa isang liblib na lugar sa Tagaytay City noong Disyembre 23.

Ayon kay Tagaytay City Police Chief Lt. Col. Ryan Manongdo, nakatali ang kamay at paa at nakatakip ang bibig at mga mata ng packing tape, may mga saksak sa katawan ang biktima ngunit wala nang ibang nakitang pinsala.

Napag-alaman na umalis si Amin mula sa kanilang bahay sa Quezon City noong Disyembre 22 upang makipagkita sa isang grupo ng mga lalaki para sa isang business transaction.

May apat na persons of interest ang pulisya, kabilang ang isang kamag-anak ng biktima.

“Hindi natin makitaan na pinwersa ‘yung ating biktima, bagkus ay parang sumama siya mismo doon sa sasakyan,” ani Manongdo.

Nakakuha na rin ng CCTV footage ang pulisya at patuloy na kinokolekta ang mga pahayag, lalo na mula sa live-in partner ni Amin. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here