Home HOME BANNER STORY Panawagan ng Pinas sa military activity sa Taiwan, inisnab ng Tsina

Panawagan ng Pinas sa military activity sa Taiwan, inisnab ng Tsina

272
0

MANILA, Philippines — Inisnab ng Chinese Embassy sa Manila ang panawagan ng Pilipinas na magpakita ng restraint sa mga aktibidad militar ng China sa paligid ng Taiwan, na binanggit ang One-China Policy.

Sinabi ng Embahada na ang sitwasyon sa Taiwan ay “internal affair” ng China at hindi dapat pakialaman ng iba.

“Taiwan is an inalienable part of China’s territory. The Taiwan question is purely China’s internal affair, which brooks no external interference,” ayon sa Embahada.

Idinagdag nito na ang pangunahing banta sa kapayapaan sa Taiwan Strait ay mula sa “Taiwan independence forces” at suporta mula sa labas.

Hinimok ng Embahada ang mga opisyal ng Pilipinas na sundin ang One-China commitment at huwag magbigay ng pahayag tungkol sa Taiwan.

Naglunsad din ito ng “serious protests” laban sa pahayag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., na nagpahayag ng pag-aalala sa mga aksyon ng China at muling iginiit ang suporta para sa isang “free, open, stable, and rules-based Indo-Pacific.” Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here