Home HOME BANNER STORY Mga biyaherong nagbakasyon, nagsimulang bumalik sa NCR

Mga biyaherong nagbakasyon, nagsimulang bumalik sa NCR

216
0

MANILA, Philippines – Nagsimulang bumalik sa Metro Manila ang mga Pilipinong nagdiwang ng Pasko at Bagong Taon sa probinsiya ngayong Sabado, bilang paghahanda sa trabaho simula Lunes.

Patuloy ang pagdating ng provincial buses sa mga terminal sa EDSA mula Kamuning hanggang Cubao, Quezon City, habang may mga pasaherong paalis din sa kanilang probinsiya.

Nakaantabay ang mga taxi at motorcycle taxi sa labas ng terminal para maghatid ng pasahero.

Ayon sa pamunuan ng mga terminal, inaasahan nilang dumarami ang pasahero ngayong gabi at bukas, Linggo.

Sinabi naman ng Quezon City Police District na maayos at payapa ang sitwasyon sa mga terminal. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here