MANILA, Philippines – Pinalawig ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang flight restrictions sa paligid ng Mayon Volcano hanggang Linggo, Enero 4, matapos itaas ng Phivolcs ang alert level nito sa Level 2 dahil sa “increased rockfall” at “long-term ground deformation.”
Ayon sa CAAP, ipinagbabawal ang mga eroplano sa loob ng 11,000 feet mula sa tuktok ng bulkan.
Pinayuhan ang mga piloto na iwasang lumipad malapit sa Mayon dahil sa panganib ng volcanic ash mula sa biglaang phreatic eruptions, na maaaring makasama sa kaligtasan ng eroplano.
Phivolcs ay nagbabala na ang patuloy na aktibidad ng Mayon ay maaaring magpahiwatig ng posibleng pagsabog. RNT/MND