SULU, Philippines – May narekober na rocket debris na palutang-lutang sa karagatang bahagi ng Barangay Suang Bunah, Pangutaran, Sulu.
Ito ang kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) kung saan inulat ng Pangutaran Municipal Police Station na Isang mangingisda ang nakadeskubre sa rocket debris nuong December 30, 2025.
Pansamantala nang nasa kustodiya ng Barangay Sta ng Buhay sa Sulu ang naturang debris ayon sa PCG Pangutaran Sub-Station.
Sa kasalukuyan ay nakikipag-ugnayan na ang Coast Guard Station Western Sulu sa mga opisyal ng naturang barangay para mailipat na sa PCG ang pagkustodiya sa debris.
Kaugnay niyan ay nanawagan ang PCG sa mga komumidad malapit sa naturang lugar na manatiling alerto at ireport agad sa mga kinauukulan ang anumang kahina-hinalang bagay na matatagpuan sa dagat para na rin sa kaligtasan ng publiko. Jocelyn Tabangcura-Domenden