MANILA, Philippines – Natapos na ang pagsasaayos sa bahagi ng EDSA Busway partikular ang southbound mula Taft Avenue hanggang Orense at ang northbound mula Magallanes Avenue hanggang Orense sa Makati.
Alinsunod ito sa kautosan ng Pangulo na pabilisin ang rehabilitasyon ng EDSA.
Ang nasabing bahagi ng EDSA Busway ay binuksan na rin ng Department of Public Works and Highways para magamit na ito ng mga motorista.
Sa ngayon puspusan pa rin ang ginagawang pag-aaspalto sa natitirang bahagi ng busway partikular sa southbound mula Taft Avenue hanggang Roxas Boulevard at northbound mula Roxas Boulevard hanggang Magallanes Avenue.
Tinatapos na rin ang paglalagay ng pavement markings.
Upang hindi makabasa sa mga motorista tuwing rushed hours ang oras ng pagsasaayos ng EDSA ay mula alas 10 ng gabi hanggang 4:00 ng umaga kinabukasan. Jocelyn Tabangcura-Domenden