Home LIFESTYLE HEALTH Nasugatan sa paputok sumirit sa 720 – DOH

Nasugatan sa paputok sumirit sa 720 – DOH

279
0

MANILA, Philippines – Umabot sa 720 ang mga kaso ng pinsalang dulot ng paputok sa buong bansa nitong nakaraang holiday season, ayon sa Department of Health (DOH) nitong Lunes, Enero 5.

Ayon sa DOH, naitala ang mga kaso mula Disyembre 21 hanggang Enero 5 batay sa ulat ng 62 sentinel hospitals.

Ipinakita ng datos na 52 porsiyento ng mga nasugatan ay 19 taong gulang pababa, habang 48 porsiyento ay 20 taong gulang pataas, kaya nananatiling mga menor de edad ang pinakaapektadong grupo.

Bagama’t mas mababa ng 14 porsiyento ang bilang kumpara sa 834 kaso noong nakaraang taon sa parehong panahon, binigyang-diin ng DOH na kailangang agad magpatingin sa doktor ang sinumang magtamo ng paso o pinsala mula sa paputok.

Nagbabala rin ang ahensya na ang hindi agad nagagamot na sugat ay maaaring magdulot ng malubhang impeksyon tulad ng tetanus.

Batay sa tala ng DOH, ang mga paputok na kadalasang sangkot sa mga insidente ay kwitis, five-star firecrackers, whistle bomb, boga, at piccolo. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here